Home ENTERTAINMENT Romnick, ipinagmalaki si Diokno!

Romnick, ipinagmalaki si Diokno!

1
0

Manila, Philippines – Kung may dapat papurihan sa gobyerno ay ginagawa naman ‘yon ni Romnick Sarmenta.

Kumbaga, it’s not all the bad side of it that the actor sees.

Tulad na lang ng pahayag niya patungkol kay Akbayan partylist Rep. Chel Diokno.

Tinawag ni Romnick na “senador” ang isa sa mga nasa prosecuting panel sa paglilitis kay VP Sara Duterte.

Sa isa niyang post sa X, tahasang sinabi ni Romnick na hindi nasayang ang kanyang boto dito.

Ani Romnick: “Walang nasayang sa pagboto kay ‘Senator’ Chel Diokno. Kasama na ‘yung akin doon.”

Sa kabila ng papuri ng aktor, tila ang pahabol niyang post ay pasaring sa iba.

Aniya: “Wala akong binoto sa mga nag-iingay at nagmamagaling sa floor. Masaya ako para du’n.

‘Cheldren’ are proud of their senator.”

Parang gets na namin kung sino ang tinutukoy ni Romnick na nagmamagaling sa floor.

Need we say who?

Sabi nga, batu-bato sa langit…ang tamaan, eh, ‘di umaray! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here