Home HOME BANNER STORY Seguridad ni Hontiveros siniguro ni Gatchalian sa mga banta online

Seguridad ni Hontiveros siniguro ni Gatchalian sa mga banta online

1
0

MANILA, Philippines – Siniguro ni Senate President Sherwin Gatchalian ang seguridad para kay Senador Risa Hontiveros kasunod ng mga banta online laban sa kanya.

Ani Gatchalian, ang Senado ay nakikipag-ugnayan na sa intelligence agencies kaugnay sa insidente at sinigurong ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay magiging ligtas at maayos.

“Nakikipag-coordinate kami sa mga intelligence agencies para bigyan-linaw ito at of course, mabigyan ng security at proteksyon ang ating mga senador, especially si Senator Risa [Hontiveros] dahil nga siya yung latest na nakakuha ng ganitong impormasyon,” ani Gatchalian.

“But I’ll assure the public na ang SONA will be safe, will be orderly pagdating ng Lunes at tuloy-tuloy yung aming pag-meeting sa ating mga kawani sa Senado,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat naman si Hontiveros kay Gatchalian.

Kamakailan ay sinabi ni Hontiveros na ang mga banta online at komento ay kasunod ng pagkamatay ng vlogger na si Mima Alicia na binaril-patay habang nasa labas ng kanyang bahay sa Caloocan City noong Hulyo 17. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here