MANILA, Philippines – SINIMULAN na ng Department of Education (DepEd) ang nationwide recruitment ng 10,000 School Counselor Associate I positions bilang bahagi ng pagsisikap na palakasin ang mental health services sa mga pampublikong eskuwelahan.
Ang hiring ay nag-ugat matapos na magpalabas ang DepEd ng Order No. 019, s. 2026, in-adopt ang qualification standards na inaprubahan ng Civil Service Commission (CSC) para sa mga bagong posisyon sa ilalim ng Republic Act No. 12080, o Basic Education Mental Health and Well-being Promotion Act.
Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na ang Schools Division Offices (SDOs) na nakatanggap ng kanilang Notice of Organization, Staffing, and Classification Action (NOSCA) ay inatasan na simulan na ang pagpupuno sa entry-level positions.
Upang mapabilis ang recruitment process, sinabi ng departamento na ang lahat ng SDOs ay gagamit ng Agile Gateway for Appointments and Placements (AGAP) System, isang online platform na pinapayagan ang mga aplikante na magsumite ng requirements electronically at magawa ng mga dibisyon na iproseso ang aplikasyon at appointments sa paraang digital.
Tinuran ng DepEd na ang SDOs ay inatasan din na maghanda ng physical assistance kiosks at help desks para sa mga aplikante na may limited access sa digital services.
Winika ni Education Secretary Sonny Angara na ang hiring o pagtanggap ay naglalayon na palakasin ang mental health at psychosocial support para sa mga mag-aaral para sa mga pampublikong paaralan.
“Hindi lang ito tungkol sa pagpuno ng mga plantilla positions. Napakahalaga ng pag-hire natin ng mga School Counselor Associates dahil sila ang magiging kaagapay ng ating mga mag-aaral sa pang-araw-araw nilang mental health at psychosocial needs,” ang sinabi ng Kalihim.
Tinuran ng DepEd, “the School Counselor Associates will provide basic mental health services, learner support, documentation, and referrals, complementing the work of registered guidance counselors in public schools.”
Sinabi pa rin ng DepEd na nakasaad sa batas na ang career progression pathway para sa mga bagong posisyon, mula School Counselor Associate I hanggang V, na may oportunidad na mag-advance sa School Counselor I hanggang IV at kalaunan ay Schools Division Counselor, subject ito sa qualification at licensure requirements.
“Applicants for the entry-level position must possess a bachelor’s degree in Guidance and Counseling, Psychology, or a related field with the required units in guidance, counseling, or behavioral science. They must also have Career Service Professional (Second Level) Eligibility. No prior work experience or additional training is required,” ayon sa DepEd.
Ang hiring ng 10,000 School Counselor Associates ay bumubuo ng bahagi ng implementasyon ng gobyerno ng RA 12080, hangad na palakasin ang school-based mental health at well-being services para sa mga mag-aaral. KRIS JOSE