Home NATIONWIDE Paggamit sa P1.26T education funds, gustong marinig ni Gatchalian sa SONA

Paggamit sa P1.26T education funds, gustong marinig ni Gatchalian sa SONA

5
0

MANILA, Philippines – Inaaasahan ni Senate President Sherwin Gatchalian na madidinig sa State of the Nation Address (SONA) ang estado sa paggamit ng makasaysayang pondo sa sektor ng edukasyon para sa taong 2026.

Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa at kauna-unahang umabot sa pamantayan ng United Nations ang naturang paglalaan ng pondo sa edukasyon.

“Naglaan tayo ng makasaysayang pondo para sa edukasyon upang masugpo natin ang malawakang krisis na hinaharap ng sektor na ito. Inaasahan nating sa darating na SONA, malinaw na maiuulat sa atin kung ano na ang narating natin at ano pa ang ating aasahan para tugunan ang krisis sa edukasyon,” pahayag ni Gatchalian.

Kabilang sa 2026 education budget ang P67.9 bilyong pondo para sa pagpapatayo ng hindi
bababa sa 22,000 silid-aralan.

Noong Hulyo 2025, umabot sa humigit-kumulang 147,000 silid-aralan ang kulang na silid-aralan sa bansa.

Pupunan din ng budget ngayong taon ang P12.3 bilyong funding deficiency na naipon ng free higher education program mula 2022 hanggang 2025.

Sa kanyang panunungkulan bilang Chairman ng Senate Committee on Finance, tiniyak ni
Gatchalian na masusunod ng 2026 budget ang rekomendasyon ng United Nations na maglaan ng katumbas ng apat hanggang anim na porsyento ng Gross Domestic Product (GDP) para sa sektor ng edukasyon. Katumbas ng 4.4% ng GDP ang P1.35 trilyong education budget para sa 2026. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here