Home TOP STORIES Tensyon sa Iran, lumawak sa Red Sea, Caspian Sea

Tensyon sa Iran, lumawak sa Red Sea, Caspian Sea

3
0
Heavy weapons, including ballistic missiles, air defense systems and unmanned aerial vehicles, are displayed during the 44th anniversary of the 8-year war with Iraq, which is known as the “Holy Defense Week”, at Baharestan Square in Tehran, Iran on September 26, 2024. (Photo by Hossein Beris / Middle East Images / Middle East Images via AFP)

TEHRAN, Iran – Lumawak ang tensyon sa digmaan ng Iran matapos umatake ang mga Houthi rebels sa mga pasilidad ng langis ng Saudi Arabia sa Red Sea, habang inakusahan naman ng Iran ang Ukraine ng pag-atake sa isang Iranian commercial vessel sa Caspian Sea.

Bagama’t pansamantalang itinigil ng Estados Unidos ang sunod-sunod nitong airstrikes sa Iran, sinabi ng US military na nananatili ang kanilang naval blockade laban sa Iran. Ayon sa isang opisyal ng administrasyon ni US President Donald Trump, mas nais ng pangulo ang diplomasya ngunit handa ring kumilos kung hindi makikipag-usap nang seryoso ang Iran.

Samantala, sinabi ng Houthi rebels na inatake nila ang mga pasilidad ng Saudi Aramco sa Jizan at Yanbu. May mga ulat din ng posibleng pinsala sa mga imbakan ng langis sa Jizan. Sa Yanbu, dalawang ballistic missile ang napigilan ng Patriot air defense system.

Sa Yemen, muling nagsagawa ng airstrikes ang puwersang suportado ng Saudi Arabia laban sa mga target ng Houthi habang kapwa panig ay nagpapakilos ng kanilang mga puwersa.

Inakusahan din ng Iran ang Ukraine sa pag-atake sa isang Iranian commercial vessel sa Caspian Sea na ikinamatay ng isang tripulante at ikinasugat ng isa pa. Hindi naman direktang kinumpirma ng Ukraine ang alegasyon.

Ayon sa ulat, pinag-iisipan ni Trump na huwag na munang palawakin ang opensiba laban sa Iran dahil sa pangamba sa mas malawak na digmaan, epekto sa suplay ng enerhiya, at pandaigdigang ekonomiya. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here