Home NATIONWIDE Mga nagawa, prayoridad na programa, ilalahad sa ika-5 SONA – Malakanyang

Mga nagawa, prayoridad na programa, ilalahad sa ika-5 SONA – Malakanyang

10
0

MANILA, Philippines – Inaasahang ilalahad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na taon at ang mga prayoridad na batas sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27.

Ayon sa Malacañang, magsisilbing ulat sa bayan ang SONA tungkol sa mga nagawa ng pamahalaan at mga panukalang nais isulong ng administrasyon kasama ang Kongreso sa nalalabing dalawang taon ng kanyang termino.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na karaniwang inilalahad sa SONA ang mga tagumpay ng administrasyon at ang legislative agenda nito.

“And just like in any other SONA, it’s a report card of the achievements, accomplishments of the year. And, at the same time, it sets the legislative agenda for Congress,” saad ni Gomez.

Ayon kay Gomez, si Pangulong Marcos mismo ang nagsulat ng talumpati gamit ang mga ulat mula sa mga ahensya ng gobyerno at patuloy pa rin itong inaayos bago ihatid.

“I’m never done. Until one hour before the SONA, I’m still changing it because, of course, we want it to be perfect,” ani ng Pangulo.

Dagdag pa niya, layunin ng SONA na ipaalam sa publiko ang mga nagawa ng pamahalaan at kung paano nito hinarap ang iba’t ibang hamon sa ekonomiya.

Hindi kinumpirma ng Malacañang kung tatalakayin ng Pangulo ang isyu ng umano’y anomalya sa flood control projects at ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Simple ngunit marangal ang magiging programa ng SONA. Ang Radio Television Malacañang ang mangunguna sa produksiyon at ang PCSO Chorale ang aawit ng pambansang awit.

Samantala, inatasan ni Executive Secretary Ralph Recto ang mga ahensya ng gobyerno na palakasin ang seguridad, traffic management, crowd control, at emergency response upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagdaraos ng SONA.

“Siguruhin nating magiging mapayapa at maayos ang SONA para sa lahat,” ayon kay Recto.

“Dapat handa tayo, magkakaugnay ang ating pagkilos, at mabilis ang ating pagtugon sa anumang sitwasyon.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here