Home NATIONWIDE 2nd Regular Session ng 20th Congress pormal na binuksan

2nd Regular Session ng 20th Congress pormal na binuksan

2
0

MANILA, Philippines – Pormal nang binuksan ni House Speaker Faustino Dy III ang Ikalawang Regular na Sesyon ng Kongreso kung saan nangako ito na maghahatid ng bagong pamantayan ng serbisyo publiko.

Ayon kay Dy, tungkulin ng bawat Pilipino na ibalik ang mga moral na pundasyon ng bansa sa pamamagitan ng araw-araw na integridad, responsibilidad, at pagmamahal sa bayan.

“Ang pinakamalaking panganib po ay kapag hinayaan nating mawala ang ating mga pagpapahalaga at pagkalinga sa isa’t isa, when we stop caring for our fellow Filipino. Huwag po tayong mapagod umunawa. Huwag po tayong mapagod tumulong sa ating kapwa,” ani Dy.

“We are all accountable. To ourselves, and to each other,” dagdag pa nito.

Ipinagmalaki rin ni Dy na matagumpay na nakapagpasa ang Kamara ng 163 na panukalang batas sa unang sesyon, kabilang ang 26 Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority bills at ang anti-oil crisis bill na KALINGA Act.

“Dahil sa pagtutulungan at pagkakaisa ng inyong mga kinatawan at ng ating mga kawani, nakapagpasa tayo ng 163 bills, kabilang ang 26 LEDAC priority bills,” pahayag nito.

Kabilang sa mga naaprubahang panukala ay ang mga reporma sa National Nutrition Program, mga amyenda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), GASTPE, mga pagbabago sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act, at ang Presidential Merit Scholarship Program.

Sa ikalawang regular session ay prayoridad ng Kamara ang pagpapasa ng Rice Industry and Consumer Empowerment Act, mga amyenda sa Universal Health Care Act, CADENA Act, at Cybersecurity Act.

“Sa ating Second Regular Session, itutuloy natin ang pagtatrabaho para maisulong ang mga repormang direktang tutugon sa mga pang-araw-araw na suliranin ng ating mga kababayan,” giit nito.

Aniya, napatunayan na na maaaring sandalan ng taumbayan ang Kamara sa panahon ng mga krisis at makakaasa na ito pa rin ang syang patuloy na gagawin ng mga mambabatas. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here