Home HOME BANNER STORY Marcos: Pilipinas ‘di pasisiil sa manlulupig, ‘di bibitaw sa 2016 arbitral ruling

Marcos: Pilipinas ‘di pasisiil sa manlulupig, ‘di bibitaw sa 2016 arbitral ruling

2
0

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi tatalikuran ng Pilipinas ang 2016 Arbitral Award na nagpawalang-bisa sa nine-dash-line claim ng China at kumilala sa sovereign rights ng bansa sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

Sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address sa House of Representatives noong Lunes, sinabi ni Marcos na gagamitin ng pamahalaan ang lahat ng mapayapa at legal na paraan upang ipagtanggol ang ruling laban sa anumang pagtatangkang pahinain ito.

“Your government will do all that is necessary to continue upholding this Award, utilizing every peaceful and legal means available to the Republic against any attempt, foreign or domestic, to undermine this achievement,” pahayag ng Pangulo.

Ginunita ng bansa noong Hulyo 12 ang ika-10 anibersaryo ng arbitral ruling, na inilarawan ni Marcos bilang isang “definitive benchmark for the interpretation and application of the UNCLOS.”

“This is not a claim that we advance alone, nor one that we will abandon,” he stressed.

Pinarangalan din ni Marcos ang mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard, gayundin ang mga Pilipinong mangingisda, sa patuloy nilang pagpapatrolya at paghahanapbuhay sa West Philippine Sea sa kabila ng mga panganib.

“To them, we owe collective gratitude and appreciation for they give life to the letter and spirit of the Arbitral Award,” he stressed.

Ipinagtanggol din ng Pangulo ang mga Pilipino laban sa kamakailang panlalait na ipinalaganap ng Chinese state media, na naglarawan sa kanila bilang “monkeys” ilang araw bago ang anibersaryo ng arbitral ruling.

“Our unity and collective consciousness are challenged now greater than ever before. A common threat lies before us, directed against our dignity and self-respect as a people,” aniya.

“We are not greedy. We are not racists. We are not liars. We are respectful, and we are dignified. We are Filipinos, and we do not yield,” diin niya.

Nanawagan si Marcos sa mga Pilipino na magkaisa habang patuloy na humaharap ang bansa sa mga banta sa seguridad.

“Iisa lang ang ating lahi. Tayong lahat ay Pilipino. Pilipino sa diwa, Pilipino sa dugo,” he noted.

“Sa mga pang-aalipusta, hindi tayo matitinag. Sa manlulupig, hindi tayo pasisiil,” pagtatapos ng Pangulo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here