Home NATIONWIDE Kamara, handang isalin sa aksyon mga pangako sa SONA ni PBBM

Kamara, handang isalin sa aksyon mga pangako sa SONA ni PBBM

3
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ni House Speaker Faustino Dy III na handang isalin ng Kamara sa mga konkretong batas at aksyon ang mga inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

“Ang SONA ang nagtatakda ng direksyon ng administrasyon. Ang papel ng Kamara ay tiyaking mabibigyan ito ng kinakailangang suporta sa pamamagitan ng maayos, masusi, at napapanahong pagtalakay ng mga panukala,” pahayag ni Dy.

Sinabi ni Dy na alinsunod sa direktiba ni Pangulong Marcos ay handa ang Kamara na iprayoridad ang panukalang magpapalawig sa income tax exemption upang masakop ang ₱350,000 kada taon, mabawasan ang income taxes sa mga manggagawa, i-exempt ang small businesses mula sa minimum corporate income tax, at magbigay ng tax amnesty para sa mga hindi nabayarang income tax, estate tax, donor’s tax at value-added tax (VAT).

“The House fully supports the President’s call to provide meaningful tax relief to our people. We will carefully study these proposals and work to pass measures that will allow Filipino workers to keep more of what they earn, help small businesses grow, and give qualified taxpayers a fresh start through a fair and responsible tax amnesty,” pahayag ni Dy.

Ikinatuwa rin ng House leadership ang aksyon ni Pangulong Marcos na mabawasan ang singil sa kuryente sa pamamagitan ng pagsasabatas ng Sariling Kuryente Act para sa pagtatatag ng rooftop solar panels at battery storage systems, gayundin ang pag-amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) upang hindi na pasanin ng mga consumer ang system loss.

“The President has made it clear that bringing down electricity costs is a national priority, and the House stands ready to do its part. We will give due priority to the proposed Sariling Kuryente Act and the amendments to the EPIRA to ensure that consumers are no longer made to shoulder charges that should not be passed on to them,” ani Dy.

Sinabi ni Dy na ang mensahe ni Pangulong Marcos sa ika-5 SONA ay akma sa layunin ng Kamara sa pagbubukas ng Second Regular Session, at ito ay ang iprayoridad ang mga batas na magbibigay ng reporma at ginhawa sa taumbayan.

“Ang hamon ngayon ay tiyaking ang bawat panukalang tatalakayin ng Kamara ay may malinaw na pakinabang sa bawat Pilipino. Iyan ang magiging sukatan ng ating trabaho,” giit nito.

Tiniyak din ni Dy na paiigtingin ng Kamara ang mahigpit na koordinasyon sa Executive Branch upang matiyak na ang bawat batas ay may tunay na saysay at magpapaganda sa kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here