MANILA, Philippines – Umabot sa pinakamataas na antas mula 2021 ang pag-aalala ng mga Pilipino tungkol sa korapsyon sa gobyerno, ayon sa OCTA Research Tugon ng Masa Survey na isinagawa noong Hulyo 4 hanggang 11 sa 1,200 adult na Pilipino.
Lumabas sa survey na 32% ng mga respondent ang nagsabing korapsyon ang pinakaagarang isyu ng bansa, mas mataas kaysa 26% noong Marso 2026.
Ayon sa OCTA, kasabay ng survey ang pagbubukas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte at pag-aresto kay Senador Rodante Marcoleta sa kasong plunder. Naging tampok din sa balita ang umano’y anomalya sa flood control funds.
“Concern about fighting graft and corruption in government increased significantly during the second quarter of 2026.”
Pinakamataas ang pag-aalala sa Metro Manila (56%), sinundan ng Balance Luzon (32%), Mindanao (26%), at Visayas (21%).
Gayunman, pangatlo lamang ang korapsyon sa mga pangunahing alalahanin ng publiko. Nanguna pa rin ang inflation (37%), kasunod ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa (34%). RNT/MDS