Home HOME BANNER STORY Ombudsman walang sasantuhin sa flood control probe

Ombudsman walang sasantuhin sa flood control probe

1
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Office of the Ombudsman na ipagpapatuloy nito ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa mga flood control project nang patas at walang kinikilingan, kahit ang mga taong malapit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay masangkot.

Ito ang pahayag ng Ombudsman matapos sabihin ni Marcos sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na inaasahang maisasampa ang ilang kaso laban sa kanyang pinsan na si Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.

“We are likewise grateful that this Office has been left free to carry out its constitutional mandate and to follow the evidence wherever it leads, including to those closest to the President himself,” saad nito.

“This is how accountability is meant to function: no favor asked, none given. The Office of the Ombudsman will press forward steadily, fairly and without fear or favor, for as long as the evidence and the law will allow,” dagdag pa ng Ombudsman.

Samantala, sinabi ni Romualdez na iginagalang niya ang pahayag ng Pangulo at handa siyang harapin ang proseso.

“Masakit man ito sa aming pamilya, iginagalang ko ang naging pahayag ng Pangulo. Hindi ako kailanman humingi ng pabor o espesyal na pagtrato. Sang-ayon ako na gawin natin ang tama,” aniya.

“Ang tama ay ang sumunod sa proseso at hayaan ang ebidensya ang magsalita. Naninindigan akong wala akong ginawang anumang labag sa batas. At handa akong patunayan ito,” dagdag pa niya.

Nauna nang naghain ang special panel ng Ombudsman ng supplemental complaint laban kina Romualdez, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at iba pa para sa preliminary investigation sa mga kasong plunder, graft, at direct bribery kaugnay ng umano’y P56 bilyong anomalya sa flood control projects mula 2022 hanggang 2025. Wala pang pormal na kasong kriminal na naisasampa laban kay Romualdez. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here