MANILA, Philippines – Pinalaya na ng pulisya ang 12 menor de edad na naaresto sa rally noong Lunes matapos kumpirmahin ng mga social worker na sila ay wala pang 18 taong gulang, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni PNP public information chief Col. Allen Rae Co na bagama’t iginiit ng mga protest group na 13 sa mga naaresto ay menor de edad, lumabas sa beripikasyon ng pulisya na 12 lamang ang tunay na menor de edad.
“They were properly endorsed for assessment by our social workers, and then they were released by social workers ng DSWD (Department of Social Welfare and Development).”
Kabuuang 51 katao ang dinala sa kustodiya ng pulisya dahil sa umano’y mga paglabag habang isinasagawa ang protesta bago ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala, kinondena ng Bagong Alyansang Makabayan at Vandals United ang pag-aresto at muling nanawagan na palayain ang lahat ng mga inaresto sa rally. RNT/MDS