MANILA, Philippines – Nagpadala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng BRP Malapascua at isang air asset mula sa Palawan upang tumulong sa search and rescue operations para sa mga tripulante ng lumubog na Vietnamese cargo vessel sa West Philippine Sea.
Lumubog ang MV Khoi Nguyen 18 noong gabi ng Hulyo 25, 2026 malapit sa Kagitingan Reef.
Ayon sa Vietnam Coast Guard, 45 sa 62 tripulante ang nailigtas habang 17 pa ang nawawala.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na patuloy ang koordinasyon nila sa Vietnam Coast Guard upang mapabilis ang operasyon.
“The PCG Command Center is coordinating closely with the VCG for other operational information needed to guide the search and rescue response,” aniya.
“We are also utilizing the Search and Rescue Optimal Planning System to guide responding assets and improve the probability of locating the missing persons,” dagdag niya.
Naglabas na rin ang PCG ng navigational warning at hinikayat ang mga sasakyang-dagat na dumaraan sa lugar na maging mapagmatyag at tumulong kung ligtas na gawin habang nagpapatuloy ang paghahanap sa 17 nawawalang tripulante. Jocelyn Tabangcura-Domenden