Home METRO Sunog sumiklab sa Sta. Cruz, Maynila

Sunog sumiklab sa Sta. Cruz, Maynila

3
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang commercial at residential building sa kanto ng Rizal Avenue at Gonzalo Puyat Street, Sta. Cruz, Maynila nitong Martes ng tanghali.

Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), nakumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog bandang 12:15 p.m.

Umabot ito sa unang alarma dakong 12:21 p.m. at itinaas sa ikalawang alarma pagsapit ng 12:30 p.m.

Wala pang naitatalang nasawi o nasugatan sa insidente. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden (larawan ni Eric Ocapan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here