Home METRO Lasenggong mister iniwan ng ka-live in, nagtangkang magpatiwakal

Lasenggong mister iniwan ng ka-live in, nagtangkang magpatiwakal

3
0

CAVITE, Philippines – Dahil sa matinding depresyon isang lslaki ang umakyat ng poste upang magpakamatay, makaraang iwan ng kanyang live in partner sa Tanza, Cavite.

Sa nakalap na report, halos apat na oras na nakipagnegosasyon, ang pulisya sa biktima na si alyas Brando bago napigilang tumalon na mula sa poste ng ilaw.

Ayon sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi nang napansin ng mga residente sa Brgy Calibuyo, ng nasabing bayan ang biktima sa ibabaw ng poste ng kuryente. Mabilis namang rumesponde ang Tanza Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection (BFP), personnnel ng Meralco at mga Barangay Officials at pinakiusapan ang biktima na bumaba at matapos ang apat na oras na negosasyon at nakumbinsi rin ito na bumaba.

Napag alaman na hiniwalayan umano ito live-in partner nitong June 25, 2026, matapos ang kanilang pag-aaway dahil sa kanyang paging lasengero. Tinangka umano ng lalaki na kumbinsihin ang kanyang partner subalit tumanggi ito na nagdulot sa kanya ng depresyon kaya tinangka nitong magpakamatay. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here