Home METRO Parak na nagbantay sa SONA, utas sa 10-wheeler truck

Parak na nagbantay sa SONA, utas sa 10-wheeler truck

1
0

MANILA, Philippines – Todas ang isang bagitong parak nang magulungan ng nakasagiang 10-wheeler truck habang sakay ng kanyang motosiklo pauwi sa Caloocan City, Martes ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si alyas “Chris”, 31, residente ng Padas St. Caloocan City at may ranggong Patrolman na nakatalaga sa Admin Holding Unit-Regional Mobile Force Battalion (AHU-RMFB) ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Mahaharap naman ang driver ng truck na ni alyas “Kevin”, 37, residente ng Porac, Pampanga sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and damage to property.

Sa nakarating na ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, dakong alas-2:10 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng C4 Road, kanto ng Perpetua St., ng nasabing lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon na pauwi na ang biktima matapos matalagang magbantay sa SONA at habang tinatahak ang kahabaan ng nasabing lugar nang sumagi ang kanang bahagi ng kanyang motorsiklo sa kaliwang bahagi ng rumaragasang 10-wheeler truck.

Dahil dito, nahulog sa motorsiklo ang biktima hanggang magulungan ng hulihang gulong ng truck na minamaneho ni “Kevin”.

Kaagad isinugod ang biktima sa Caloocan City Medical Center subalit , hindi na ito umabot ng buhay sanhi ng tinamong matinding pinsala sa katawan ang habang naaresto naman ng pulisya ang driver ng truck. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here