Home NATIONWIDE Pagtanggal ng system loss sa singil ng kuryente, umani ng suporta sa...

Pagtanggal ng system loss sa singil ng kuryente, umani ng suporta sa Senado

4
0

MANILA, Philippines – Umani ng suporta si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mula sa ilang senador partikular ang solusyon sa ilang problema na kinahaharap ng bansa tulad ng pagtaas ng halaga ng singil sa kuryente, pagkain at iba pa.

Sa magkahiwalay na pahayag, lantarang kinampihan nina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Lito Lapid ang panukala ni Pangulong Marcos na tanggalin ang sinisingil na system loss sa kuryente na lubhang nagpapabigat sa pasanin ng consumer.

Ayon kay Pangilinan, napapahon ang panukala ni Pangulong Marcos na tanggalin ang system loss kaya’t kanyang isinulong ang pagsasabatas ng Senate Bill No. 2124, or the VAT Exemption on Systems Loss Act for Residential Household Consumers, upang mabawasan ang pabigat sa consumer.

“This is a long time coming. Matagal nang dapat hindi pinagpapaguran ng mga consumers ang pagbabayad sa systems loss. Kesa ibayad nila sa system losses at sa VAT nito, mas dapat nila gastusin ang kanilang kinitang pera sa pagkain, sa edukasyon, sa kalusugan,” aniya.

Sinabi ni Pangilinan na nakahanda siyang makipagtulungan sa administrasyon, kasamahan sa Senado,   Department of Energy, at iba pang stakeholders upang matiyak na magkaroon ng kailangang amendments ang EPIRA at maipasa kaagad.

“I welcome the President’s proposal, and I am ready to help move it forward in the Senate. If we are serious about lowering the cost of living, we must pursue reforms that make electricity more affordable, transparent, and fair for every Filipino,” aniya.

Nitong Lunes, July 27, binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang  State of the Nation Address (SONA) na kailangan amendahan ang  EPIRA upang maibaba ang halaga ng kuryente na isa sa pinakamataas sa Asya sanhi ng pagbabayad ng system loss at VAT.

Nakatakda sa EPIRA  na pinapayagan ang lahat ng distribution utilities na awtomatikong singilin ang pass-through cost  sa consumer kabilang ang   systems loss charges.

“Our goal should always be a power sector that is centered on the welfare of consumers. Tungkulin natin sa gobyerno na makatatag ng isang energy system na kayang maghatid ng abot-kayang at maaasahang kuryente saan mang sulok ng Pilipinas,” aniya.

Kasabay nito, bukod sa pagsuporta, nanawagan din si Lapid sa kapwa mambabatas na  iwasan ang pamunulitika at mag-tulungan ang oposisyon at administrasyon para sa kapakanan ng publiko.

Sinabi ni Lapid na higit kailangan ngayon ng taumbayan ang pagkilos sa mga priority bills na makakaginhawa sa mamamayan sa gitna ng mataas na presyo ng kuryente, inflation at walang tigil na pagsirit ng presyo ng langis.

“Sa panahon ng malawakang pagsubok sa ating ekonomiya, kalusugan, kaligtasan, at kapayapaan, higit na kailangan ng ating mga kababayan ang gobyernong nakatuon sa pamamahala sa halip na pamumulitika,” ani Lapid.

Banggit pa ni Lapid  na tinatanggap nya  ang hamon ng Pangulo at kababayan na agarang isabatas ang mga panukalang nakapagbibigay solusyon sa pangangailangan ng ating bansa.

Sabi pa ni Lapid na inaanyayahan nya ang mga kasamahang mambabatas na maghanap ng puwang upang makapagtrabaho sa kabila ng kasalukuyang tensyong pulitikal. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here