Home HOME BANNER STORY P500M cash withdrawal ng OVP ‘unusual’ — ex-LandBank manager

P500M cash withdrawal ng OVP ‘unusual’ — ex-LandBank manager

4
0

MANILA, Philippines — Itinuring na “unusual” ng isang dating department manager ng Land Bank of the Philippines ang P500 milyong cash withdrawal ng Office of the Vice President (OVP), sa pagdinig sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Violeta Constantino, testigo ng House prosecution panel, na hinati ang halaga sa apat na tsek na tig-P125 milyon at in-encash ni OVP special disbursing officer Gina Acosta.

Tinanong ni Senator-Judge Erwin Tulfo kung normal ang ganitong transaksyon para sa isang ahensya ng gobyerno at kung may nakita na siyang kahalintulad nito sa loob ng 32 taon niyang pagtatrabaho sa state-run bank.

“Wala po. Unusual po ito,” sagot ni Constantino.

Nang tanungin kung inalam ng bangko ang paggagamitan ng pera, sinabi ni Constantino na may ipinadalang advice ang OVP sa sangay at dumaan naman sa proseso ng bangko ang transaksyon.

“Kasi po may advice naman na po siya, so kumbaga dumaan naman po ito sa proseso nila kaya I don’t think po na magtanong pa kami,” aniya.

“Wala na pong exemption kaya lang po itong sa particular na transaction ng OVP, bale mayroon naman kasi silang fino-forward na advice sa branch,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Constantino na hindi niya alam na gagamitin ang mga withdrawal para sa confidential funds.

Nang tanungin ni Senator-Judge Bam Aquino kung iniulat ng sangay sa mga awtoridad ang naturang “unusual” transactions, iginiit ni Constantino ang mga patakaran ng Anti-Money Laundering Council na nagbabawal sa pagbubunyag ng impormasyon hinggil sa reporting.

“I’m sorry, Your Honor, may we invoke po ‘yung AMLC (Anti-Money Laundering Council) rule na hindi po kami pwedeng mag-disclose any information po regarding sa reporting,” aniya.

Gayunman, kinumpirma niya na lahat ng transaksyong lampas P500,000, pribadong indibidwal man o kawani ng gobyerno ang sangkot, ay iniuulat sa AMLC. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here