Home HOME BANNER STORY Impartiality ni Pia sa paglalabas ng spliced video kinwestyon ng prosekusyon

Impartiality ni Pia sa paglalabas ng spliced video kinwestyon ng prosekusyon

3
0

MANILA, Philippines – Tinawag ng House prosecution team nitong Miyerkules, Hulyo 29, na misleading at paglabag sa oath of impartiality bilang senator-judge ng impeachment trial ang paglalabas ni Senador Pia Cayetano ng video sa social media tampok si Akbayan party-list Representative Chel Diokno na nagsasalita sa merito ng pagbubukas ng bank account records ni Vice President Sara Duterte at asawa nito.

Sinabi ni House prosecutor Leila de Lima na, “It is the Prosecutors’ collective position that the conduct of Senator Pia Cayetano in so posting such spliced and misleading video was inapproriate and violative of her oath of impartiality as a Senator-Judge.”

“With all due respect to our Senator-Judges, we in the House Prosecution hope that the posting of spliced videos should be avoided so as not to mislead the public. Maganda na laging maisama ‘yung buong konteksto ng mga talakayan para magabayan at maliwanagan ang taumbayan sa mga nangyayari sa paglilitis,” dagdag pa ni De Lima.

Ang tinutukoy ni De Lima ay ang video clip na nagpapakita kina House prosecutor at Akbayan party-list Representative Chel Diokno at kapatid nitong si Senador Alan Peter Cayetano na nagpapalitan ng pahayag kaugnay sa pag-subpoena ng financial records ni Duterte.

Sa video na ipinost ni Pia, sinabi nito na:

“Nagbabakasakali lang? Walang mga ebidensya pero nag-aakusa na!”

Ani De Lima, ipinauubaya na nila sa Senate impeachment court ang aksyon sa ginawa ni Cayetano.

“As to whether this matter should be addressed before the Impeachment Court, my only comment is we defer to the Senate’s internal processes,” sinabi ni De Lima.

“Hiningi natin ang bank records para makita kung tugma ito sa sinasabi ng AMLC reports. Tandaan: Ang bank records ay maaari lang mailabas kapag may utos o subpoena mula sa korte. Ibig sabihin, kung nabuksan ng Kamara ang mismong bank records bago ang trial, paglabag yan sa karapatan at due process ni VP Sara Duterte,” sinabi naman ni Diokno kaugnay sa inilabas na spliced video.

“Ngayong may subpoena na para sa bank records ng Bise Presidente, magagamit ito ng magkabilang panig para patunayan ang kanilang kaso,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here