Home NATIONWIDE Nuclear energy initiative pinag-aaralan, ‘di itutuloy kung mapanganib- Malakanyang

Nuclear energy initiative pinag-aaralan, ‘di itutuloy kung mapanganib- Malakanyang

4
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na hindi nito itutuloy ang inisyatiba sa produksyon ng nuclear energy kung malalagay sa panganib ang kaligtasan ng publiko.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang Department of Energy (DoE) sa pamamagitan ng Nuclear Energy Program Interagency Committee ay nagsasagawa na at nagtatrabaho on a whole-of-government approach.

“So, kailangan mag-comply sa safety, security, and safeguards requirement na naaayon din naman po sa International Atomic Energy Agency,” anito pa rin.

“So, hindi po susuong ang ating pamahalaan, ang administrasyon kung ito po ay mapu-put in danger ang ating mga kababayan, magkakaroon nang hindi magandang sitwasyon o kundisyon kasi ang inuuna po ng Pangulo at ng administrasyon ay ang safety ng ating mga kababayan,” ang dagdag na pahayag ni Castro.

Nito lamang, araw ng Lunes, Hulyo 27, isa sa pinakamalalaking anunsyo sa ikalimang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pangakong paggamit muli ng nuclear energy sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, hindi na maaaring umasa lamang ang bansa sa mga tradisyunal na pinagkukunan ng kuryente.

Habang patuloy na tumataas ang pangangailangan sa enerhiya dahil sa paglago ng ekonomiya at populasyon.

Iginiit niyang kailangan nang paghandaan ang pangmatagalang suplay ng kuryente upang maiwasan ang kakulangan sa enerhiya sa mga susunod na taon.

Sinabi ng Pangulo na malayo na ang narating ng makabagong nuclear technology kumpara sa mga teknolohiyang ginamit ilang dekada na ang nakalipas.

Ayon sa kanya, ang mga bagong henerasyon ng nuclear reactors ay may mas mataas na antas ng kaligtasan at ginagamit na sa maraming bansa bilang maaasahan at mababang carbon source ng kuryente.

Layunin raw ng pamahalaan na matiyak ang sapat na suplay ng elektrisidad habang pinananatiling abot-kaya ang singil sa kuryente para sa mga Pilipino.

Kasabay ng panukalang pagbabalik ng nuclear energy, ay nangako rin ang Pangulo na patuloy na palalawakin ng pamahalaan ang renewable energy projects tulad ng solar, wind, at hydro power.

Ipagpapatuloy rin ang paggamit ng natural gas bilang bahagi ng diversified energy program ng bansa.

Saad niya, mahalagang magkaroon ng iba’t ibang pinagkukunan ng enerhiya upang hindi maging vulnerable ang Pilipinas sa pandaigdigang krisis sa langis at iba pang geopolitical conflicts na nakaaapekto sa presyo ng kuryente at gasolina. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here