MANILA, Philippines — Isang magnitude 5.5 na lindol ang tumama sa karagatan malapit sa Baras, Catanduanes nitong Miyerkoles ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Naitala ang tectonic na lindol dakong alas-11:10 ng gabi at may lalim na 10 kilometro.
Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala, ngunit posible ang mga aftershock. Santi Celario