MANILA, Philippines — Sinuspinde ng ilang lokal na pamahalaan ang klase ngayong Huwebes, Hulyo 30, 2026, dahil sa masamang panahon at mga alalahanin sa kaligtasan at seguridad.
Sa San Miguel, Bulacan, suspendido ang klase mula kindergarten hanggang high school sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Sa Naujan, Oriental Mindoro, suspendido rin ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Districts 7 at 8. RNT