Pasay City — Bilang co-author ng panukala, ikinagalak ni Senador Mark A. Villar ang pagsasabatas ng Republic Act No. 12321, o ang Last Mile and Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) Schools Act, na aniya’y isang mahalagang reporma upang higit na mapalawak ang access sa dekalidad at inklusibong edukasyon para sa mga mag-aaral sa mga pinakamalalayo at pinaka-nangangailangang komunidad sa bansa.
Sa ilalim ng batas, ang mga Last Mile at GIDA schools ay tumutukoy sa mga pampublikong paaralan na matatagpuan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas, mga paaralang may hindi bababa sa 75 porsiyento ng mga mag-aaral na kabilang sa mga Indigenous Peoples (IPs), at mga paaralang nasa mga komunidad na apektado ng armadong tunggalian, kawalan ng seguridad, panganib ng kalamidad, o iba pang sitwasyong kinikilala ng Department of Education (DepEd) bilang hadlang sa dekalidad na edukasyon.







