MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng pulisya ang pananakit sa isang motorcycle taxi rider sa Barangay Pitogo, Taguig City noong Hulyo 27.
Sa video ng insidente, makikitang katatapos lamang maghatid ng pasahero ang rider at naghihintay ng panibagong booking nang dumaan ang isang babae at isang lalaki. Maya-maya, bumalik ang lalaki at sinuntok ang rider. Pagkatapos ng pananakit, umalis ang biktima sa lugar.
Ayon sa pulisya, nagtungo ang rider sa Investigation and Detection Management Section ng istasyon upang magbigay ng salaysay at nagpahayag ng intensiyong magsampa ng reklamo laban sa suspek.
Kinondena rin ng ama ng biktima na si Rolando Siobal ang nangyari.
“Pasikatin natin tong kup@l na to, nag-aabang ng booking yung anak ko tapos biglang kinursunada yung anak ko, sa may bandang Pitogo my town,” aniya sa isang Facebook post.
Naglabas din ng pahayag ang Taguig City Triskelion Council at kinondena ang insidente. Nilinaw nitong ang Tau Gamma Phi – Pitogo National High School Chapter, kung saan umano miyembro ang suspek, ay hindi saklaw o kinikilala ng konseho.
“It has come to our attention that the alleged suspect was identified as a member of Tau Gamma Phi – Pitogo National High School Chapter. In this regard, we would like to make it clear that the Pitogo National High School Chapter, including its Triskelion Alumni Organization, is not under the supervision, jurisdiction, or recognition of the Taguig City Triskelion Council,” ayon sa konseho.
“may claim affiliation with Tau Gamma Phi, we firmly condemn and denounce the actions committed,” dagdag pa nito. RNT/MDS