Malugod na tinanggap ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang Eternal Flame of Governance Trophy, na iginawad ng RP Mission Development Foundation Inc. bilang pagkilala sa kanyang pagiging Ranked #1 Top-Performing Mayor sa Pilipinas at sa kanyang natatanging pamumuno sa paghahatid ng mahusay, tapat, at makataong serbisyo publiko.
Iginawad ang nasabing parangal bilang pagkilala sa matatag na pamumuno ni Mayor Sandoval at sa kanyang patuloy na dedikasyon sa pagtataguyod ng isang mas progresibo, matatag, inklusibo, at makataong Lungsod ng Malabon. EDGAR RABULAN