Home NATIONWIDE Lawak ng yaman ni VP Sara, isisiwalat ng mga bank, BIR records

Lawak ng yaman ni VP Sara, isisiwalat ng mga bank, BIR records

1
0

MANILA, Philippines – Isisiwalat ng mga rekord sa bangko at buwis ng mag asawang VP Sara Duterte at Atty Mans Carpio  ang lawak ng kayamanan nito na naipon mula taong 2007,  ayon kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co, isa sa tagapagsalita ng House Prosecution Team.

Ang nasabing mga records na una nang sinubpoena ay naiturn over na sa impeachment court.

“Itong mga bank records na ito can better give that picture kung bakit ganun kalake yung wealth ni VP Sara,” ani Co.

Bukod sa mga dokumento sa bangko at buwis ng Bise Presidente at ng kanyang asawa, sinubpoena ng impeachment court ang record ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) hinggil sa mga transaksyong pinansyal ng mag-asawa, na sumasaklaw din simula nang siya ay maging bise alkalde.

Una nang sinabi ng House Committee on Justice sa mga pagdinig nito sa impeachment na umabot sa P6.7 bilyon ang kabuuang halaga ng mga “covered” at “suspicious” na transaksyon ng mag-asawang Duterte-Carpio na na-flag ng mga bangko.

Ipinakita naman sa kanilang  SALN na ang net worth ng Bise Presidente ay umakyat mula P7.5 milyon noong 2007 patungo sa higit P88 milyon noong 2024

Sinabi ni Rep. Terry Ridon ng Bicol Saro party-list, na nais malaman ng prosekusyon kung tutugma ang ulat ng AMLC at mga rekord sa bangko sa mga SALN at ITR ng mag asawa. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here