Home NATIONWIDE Inflation posibleng umabot sa 5.6%–6.6% sa Hulyo

Inflation posibleng umabot sa 5.6%–6.6% sa Hulyo

4
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang mananatiling lampas sa 3% target ang inflation sa Hulyo at maaaring umabot sa 5.6% hanggang 6.6%.

Sinabi ng BSP na maaaring tumaas ang presyo dahil sa mas mahal na gasolina at diesel, pagtaas ng singil sa kuryente, pagmahal ng isda, at paghina ng piso laban sa dolyar.

Gayunman, maaaring mabawasan ang epekto nito dahil sa pagbaba ng presyo ng bigas, karne, gulay, at prutas.

Ilalabas ng pamahalaan ang opisyal na datos ng inflation para sa Hulyo sa Agosto 5. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here