Home NATIONWIDE Paglaban vs fake news, misleading content sa impeachment, hinimok ni Barbers

Paglaban vs fake news, misleading content sa impeachment, hinimok ni Barbers

3
0

MANILA, Philippines – Hinimok ni House Prosecution Panel Adviser at Spokesperson Robert Ace Barbers ang Senado, na nagsisilbing Impeachment Court, na kumilos laban sa  pagkalat ng fake at misleading content nagmula sa hanay ng mga senator-judge.

Para kay Barbers dapat i-police ng presiding Officer at ng buong Impeachment Court  ang kanilang sariling hanay upang mapanatili ang integridad at imparsyalidad ng paglilitis.

“Itong issue na ito, siyempre, ang panawagan natin ay sa Presiding Officer at sa buong Impeachment Court na i-police nila ang kanilang hanay. Sila mismo ang maging ‘police’ sa kanilang hanay. Tingnan nila kung sino ang lumalabas sa linya o sino ang nagva-violate sa rules,” ani Barbers.

Ang panawagan ni Barbers ay kasunud ng pagkalat ng psang Facebook post mula sa account ni Sen. Pia Cayetano, na ayon sa House prosecution panel ay naglalaman ng “spliced” na bersyon ng video ng oral arguments sa pagitan ni Cayetano at prosecution panel member Rep. Chel Diokno.

Sinabi ng prosecution panel na binaluktot ng na-edit na video ang aktwal na pangyayari sa pagpapalabas nitong parang isang “fishing expedition” ang ginawa ng prosecution nang humingi ito ng subpoena para sa mga bank account at iba pang financial record ng Vice President.

Kinondena ni Barbers ang pagkalat ng video na sinabi niyang fake at manipulated, bagama’t sinabi niyang naniniwala ang prosecution panel na walang naging epekto ito sa panig nila dahil nasaksihan naman ng publiko ang aktwal na proceedings.

Gayunpaman, malaki ang katanungan sa integridad ng mga senator-judge kung mapapatunayang mayroon sa kanilang hanay ang lumikha o kumalat ng nasabing video.

“Sa prosecution side, sa aking paniwala, walang epekto. Pero sa integrity ng mga senator-judges, may malaking question. Kapag ang isang senator-judge ay nagpapakita ng bias o pagpanig sa isang side habang  nililitis, parang may violation iyon sa kanilang rules,” paliwanag ni Barbers.

Muling iginiit ng House prosecution panel ang panawagan nito sa Senate impeachment court na gawin ang kinakailangang hakbang upang pangalagaan ang integridad, imparsyalidad, at kredibilidad ng impeachment proceedings. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here