Home METRO 21 traffic violators, nahuli sa Oplan Sita sa Quezon City

21 traffic violators, nahuli sa Oplan Sita sa Quezon City

3
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ang Quezon City Police District (QCPD) ng Oplan Sita noong Hulyo 31, 2026 sa 20th Avenue kanto ng Diego Silang at Kalantiaw, Quezon City.

Pinangunahan ang operasyon ng District Traffic Enforcement Unit (DTEU) sa pamumuno ni PLTCOL Brian Jaime, kasama ang mga miyembro ng QCPD P.R.I.D.E. (Policewomen for Road Safety, Integrity, Discipline, and Efficient Enforcement) at iba’t ibang yunit ng QCPD, kabilang ang Highway Patrol Group at mga pulis mula sa Police Stations 3, 4, 5, 6, 9, 14, 15, at 16.

Sa operasyon, 21 Official Violation Receipts (OVRs) ang inisyu sa mga motorista na lumabag sa batas trapiko at mga lokal na ordinansa.

Kabilang sa mga naitalang paglabag ang hindi rehistradong sasakyan, paglabag sa dress code, sirang accessories, walang plaka o pansamantalang plaka, at hindi pagdadala ng Certificate of Registration.

Ayon sa QCPD, bahagi ang operasyon ng kanilang tuloy-tuloy na kampanya upang palakasin ang pagpapatupad ng batas trapiko, pataasin ang kamalayan sa kaligtasan sa kalsada, hikayatin ang responsableng pagmamaneho, at mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko sa Quezon City. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here