Home HOME BANNER STORY Presyo ng LPG, posibleng sumirit ‘gang P27.50/11 kilo tangke

Presyo ng LPG, posibleng sumirit ‘gang P27.50/11 kilo tangke

1
0

MANILA, Philippines – Posibleng tumaas ng hanggang P27.50 ang presyo ng LPG kada 11-kilogram na tangke dahil sa tumitinding tensyon sa Middle East.

Ayon sa LPG Marketers Association (LPGMA), maaaring magkaroon ng P2 dagdag kada kilo, o P27.50 kada 11-kilong tangke. Wala pang pinal na halaga ng taas-presyo ang Department of Energy (DOE).

Ayon kay LPGMA founder and chairman Arnel Ty, tumaas ang presyo ng LPG sa pandaigdigang merkado dahil sa tensyon sa pagitan ng Estados Unidos, Saudi Arabia, at Iran.

“In the past few days, there was suddenly conflict in the Middle East between the United States, Saudi Arabia against Iran. So that triggered the price increase of LPG,” aniya.

Sinabi rin niya na maaaring mahirap umasa ng rollback sa mga susunod na buwan dahil magsisimula ang winter stockpiling.

Payo ni Ty sa publiko na ihanda muna ang lahat ng sangkap bago magluto at lutuin ang mga ito nang sabay-sabay upang makatipid ng hanggang 20% sa konsumo ng LPG.

Ayon naman sa DOE, napakabilis magbago ng sitwasyon sa Middle East, kaya maaari rin nitong maapektuhan ang inaasahang rollback sa iba pang produktong petrolyo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here