Home HOME BANNER STORY Mas malalakas na ulan aasahan sa La Union, Pangasinan, Zambales at Bataan...

Mas malalakas na ulan aasahan sa La Union, Pangasinan, Zambales at Bataan ngayong araw

3
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ang 100 hanggang 200 mm ng ulan sa Pangasinan, Zambales, La Union at Bataan ngayong Lunes, Agosto 3, 2026 dahil sa Tropical Depression Luis.

Ayon sa heavy rainfall outlook ng PAGASA dahil sa bagyong Luis ay posible rin ang 50 hanggang 100 mm ng ulan sa Benguet, Ifugao, Mountain Province, Kalinga, Nueva Vizcaya, Quirino, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, at Pampanga.

Bukas naman, araw ng Martes, Agosto 4 ay magkakaroon din ng 100 hanggang 200 mm ng ulan sa La Union, Pangasinan, Zambales at Bataan, habang 50 hanggang 100 mm ng ulan sa Ilocos Sur, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Metro Manila, Cavite, Batangas, at Rizal.

Samantala, naglabas din ng heavy rainfall outlook ang PAGASA para sa Habagat kung saan araw ng Martes ay inaasahan ang 50-100 mm ng ulan sa Occidental Mindoro.

Sa araw ng Miyerkules, Agosto 5, ay mayroong 100-200mm o heavy to intense na ulan sa Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro at katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa La Union, Pangasinan, Benguet, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Antique. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here