MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa higit sa 8 milyong customers ng Meralco ang inaasahan na makikinabang sa 9.5 billion pesos na refund ng nasabing kompanya.
Dahil hangad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pagaanin ang pasanin ng mga Pilipino, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na kaagad na ipinag- ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco na ipatupad ang 9.5 billion pesos na refund para sa consumers.
Sa isang desisyon na inilabas ng ERC nitong July 31, ipinag-utos ng komisyon sa kumpanya na ibalik ang equivalent rate na 0.3448 peso per kilowatt hour sa loob ng anim na buwan.
“Makakaasa ang mga residential customers ng Meralco na makakatanggap sila ng refund rate na 0.5861 peso per kilowatt hour. Kung kayo ay may konsumo na aabot sa 200 kilowatt hours kada buwan ay maaaring kayong makatanggap ng refund na aabot sa higit isandaang piso,” ani Castro.
Ayon naman kay ERC Chair and CEO Francis Saturnino Juan, ipapatupad ang refund sa susunod na bill cycle.
Dapat din ay malinaw itong nakasaad sa electricity bills ng mga consumer
Malinaw ang hangarin ng Pangulo, ibalik sa taumbayan ang kanilang pinagpaguran. Kada piso na matitipid ay malaking tulong sa bawat pamilyang Pilipino. (KRIS JOSE)