Home METRO OCD: Higit 6,300 pamilya apektado ni bagyong Luis

OCD: Higit 6,300 pamilya apektado ni bagyong Luis

3
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 6,316 pamilya ang naapektuhan ng Tropical Depression Luis, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Lunes.

Batay sa pinakahuling ulat ng OCD, ang mga apektadong pamilya ay mula sa Bicol Region, Zamboanga Peninsula, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Wala pang naitatalang namatay, nasugatan, o nawawala dahil sa sama ng panahon.

May pitong lugar na nakaranas ng pagbaha sa Zamboanga Peninsula at BARMM.

Naapektuhan din ang biyahe sa dagat, kung saan siyam na sea trips ang kinansela sa Calabarzon at Bicol. Dahil dito, 477 pasahero, 47 rolling cargoes, at limang barko ang naapektuhan.

Wala pang naiuulat na evacuation centers o pinsala sa mga bahay sa pinakahuling update.

Nagbigay na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P280,500 na tulong sa mga apektadong residente sa Bicol.

Samantala, nananatili ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa ilang bahagi ng Cagayan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, Isabela, at Quirino habang bahagyang humihina si Luis. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here