Home NATIONWIDE Panawagan ni Teodoro sa paninindigan ng posisyon sa WPS, suportado ng Malakanyang

Panawagan ni Teodoro sa paninindigan ng posisyon sa WPS, suportado ng Malakanyang

1
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Malakanyang ang panawagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga public officials na panindigan ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Para kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, ang katapatan ng bawat filipino ay nararapat na para lamang sa bansa , maging anuman ang political affiliation o pagkakaiba sa ibang usapin.

Para kay Castro, walang nakikitang mali ang administrasyong Marcos sa naging pahayag ni Teodoro na dapat ikonsidera ng mga opisyal ng gobyerno na magbitiw sa puwesto kung hindi mapaninindigan ng mga ito ang Philippine laws at national policy, kabilang na rito ang matibay na posisyon sa karapatan sa WPS.

“Ang pinag-uusapan po natin dito ay mga Pilipino. Pilipino na ang dapat ang puso ay para sa Pilipinas lamang,” ang sinabi ni Castro.

“Hindi pinag-uusapan dito ang loyalty. Lahat tayong mga Pilipino dapat ang puso, ang paninindigan, ang ipaglalaban ay ang bansang Pilipinas lamang,” aniya pa rin.

Ang pahayag na ito ni Castro ay matapos na batikusin ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte si Teodoro para sa di umano’y pagpapataw ng “loyalty test” at tila ginagawang demonyo ang Tsina kasunod ng panawagan ng Kalihim na panindigan ang posisyon ng Pilipinas sa WPS.

Winika ni Castro na labis na nakababahala kung sakaling ang isang elected official na gaya ni Pulong Duterte ay kinukuwestiyon ang inaasahan na dapat na panindigan ng mga pinoy ang sovereign rights ng Pilipinas.

“Lubhang kataka-taka, very alarming, para sa isang katulad niya na mambabatas na lubhang parang nagpapakita na ang kaniyang loyalty ay hindi solido sa Pilipinas,” anito.

Binigyang diin pa ni Castro na ang panatilihin ang cordial ties ng Pilipinas sa tsina sa kalakalan, investments, at negosyo ay hindi dapat mnalito sa pagdepensa sa sovereign rights ng bansa.

Kaya nga aniya, makailang ulit na inuulit ni Pangulong Marcos na ang political differences ay hindi dapat na ipinapakahulugan ng pagprotekta sa interets ng bansa sa WPS.

Samantala, hinikayat naman ni Castro ang mga opisyal na paulit-ulit na iginigiit ang posisyon ng Tsina sa WPS na maging transparent ukol sa kanilang personal na pananaw.

“Mas maganda po siguro talaga na… lumantad na sila para makita natin kung sino ba talaga ang nagmamahal sa bansang Pilipinas,” aniya pa rin. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here