Home NATIONWIDE PAGASA: Angat watershed posibleng saturated na

PAGASA: Angat watershed posibleng saturated na

3
0

BULACAN, Philippines – Nagbabala ang PAGASA na posibleng saturated na ang Angat watershed, kaya ang karagdagang ulan mula sa Tropical Depression Luis at Habagat ay maaaring mabilis na magpataas ng tubig sa Angat Dam.

“Based sa aming analysis, possible na baka yung watershed ng Angat is saturated na. Kung ano man ‘yung rainfall na ma-receive is madali ‘yung magiging reaction or translation nya dito sa storage ng tubig sa dam,” sabi ni hydrologist Jofren Habaluyas.

Noong 8:00 a.m. ng Lunes, nasa 155.41 metro ang water level ng Angat Dam, mas mababa ng 4 sentimetro kaysa noong nakaraang araw.

Mula Hulyo 29 hanggang Agosto 2, tumaas ang tubig sa dam ng 4.6 metro dahil sa mga pag-ulan mula sa thunderstorms at low pressure area.

Ayon sa PAGASA, kailangan pa ng humigit-kumulang 470 millimeters ng ulan upang maabot ng Angat Dam ang normal operating level na 180.34 metro, habang ang normal high level nito ay 210 metro.

“Malakas din ang possibility na aangat pa further ‘yung elevation ng Angat Dam. Pero… huwag pa ring tayong magpaka-kampante na tuluy-tuloy ang pagtaas nito dahil… it’s still below the rule curve,” sabi ni Hydrometeorology Division Chief Socrates Paat.

Nanawagan din siya sa publiko na patuloy na magtipid sa tubig.

“Patuloy tayong magtipid sa tupid para itong mga nababawi nating increase in water level ay hindi mabilis ang pag-deplete,” dagdag niya.

Patuloy ding nakararanas ng katamtaman hanggang malakas na ulan ang Hilaga at Gitnang Luzon dahil kay Luis. Inaasahang maaaring mag-landfall si Luis sa Cagayan-Isabela area bago humina at maging low pressure area pagsapit ng Miyerkules.

Kahit humina si Luis, inaasahang magdadala pa rin ng patuloy na pag-ulan ang pinalakas na Habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas hanggang sa katapusan ng linggo. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here