Home NATIONWIDE Rapist na top 3 most wanted sa region 2, himas-rehas

Rapist na top 3 most wanted sa region 2, himas-rehas

3
0

NAGUILIAN, Isabela – Himas rehas na bakal ngayon ang tinaguriang Top 3 Most Wanted Person sa kasong panggagahasa o qualified rape matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa kanyang pinagtataguan sa Brgy. Minanga, Naguilian, Isabela.

Sa direktiba ni PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO na hulihin ang mga tinaguriang wanted o nagkasala sa batas para mabigyan ng hustiya ang kanilang nabiktima kung kayat naaresto si alyas “Mar”, 30 taong gulang, construction worker at residente sa nabanggit na lugar.

Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Naguilian Municipal Police Station, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela Provincial Field Unit bilang lead unit, at Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office (PIU-IPPO), ang Top 3 Regional Most Wanted Person dito sa rehiyon dos.

Sa bisa ng Warrant of Arrest ay walang inirekomendang piyansa ang akusado.

Ayon kay PCol. Bringas, ang matagumpay na operasyon ay patunay ng matatag na koordinasyon at dedikasyon ng mga yunit ng kapulisan sa pagpapatupad ng batas.

Ang naturang Warrant of Arrest ay kabilang din sa Enhanced E-Warrant System ng Philippine National Police.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dukomentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here