Home METRO Puganteng 15-taon nagtago, arestado sa Surigao del Sur

Puganteng 15-taon nagtago, arestado sa Surigao del Sur

1
0

SURIGAO DEL SUR, Philippines – Arestado ang isang 46-anyos na pugante matapos ang 15 taong pagtatago nang maaresto ito sa Bislig City, Surigao del Sur nitong Martes.

Dinakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Surigao del Sur ang suspek, na kabilang sa Top 2 most wanted sa lungsod sa antas ng munisipalidad, bandang alas-9 ng umaga sa Barangay Poblacion.

Ayon sa pulisya, residente ng Barangay 6 – Diego Silang sa Butuan City ang suspek at walang trabaho.

Inaresto ito sa bisa ng warrant na inilabas ng Regional Trial Court Branch 29 sa Bislig City noong Disyembre 21, 2011.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag umano sa Section 5(1) ng Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, sa ilalim ng Criminal Case No. 2011-6-3758-B. Inirekomenda ng korte ang piyansang P24,000.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng “Oplan Pagtugis,” pangunahing kampanya ng CIDG laban sa mga wanted na indibidwal.

Dinala ang suspek sa tanggapan ng CIDG-Surigao del Sur para sa dokumentasyon at kaukulang proseso bago ibalik sa korte ang warrant of arrest. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here