Home NATIONWIDE Miting ng PSAC pinangunahan ni PBBM

Miting ng PSAC pinangunahan ni PBBM

3
0

MANILA, Philippines – PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang ika-5 meeting kasama ang Private Sector Advisory Council (PSAC) Education and Jobs Sector Group upang talakayin ang mga inisyatibang magpapalakas sa edukasyon, workforce development, at job creation sa bansa.

Binigyang-pansin sa pulong ang pagpapalawak ng AI at digital upskilling, pagpapatupad ng Semiconductor and Electronics Industry Roadmap, at mga programang magpapalawak ng oportunidad sa trabaho, negosyo, at skills development para sa mga Pilipino.

Bahagi rin ng talakayan ang pagpapalalim ng ugnayan ng pamahalaan, pribadong sektor, at academe upang matugunan ang jobs-skills mismatch at makabuo ng mga polisiya at programang nakaayon sa pangangailangan ng mga industriya at ng makabagong ekonomiya.

Mithiin ng administrasyon na maihanda ang mas maraming Pilipino para sa jobs of the future, mapalakas ang inobasyon at competitiveness ng bansa, at makalikha ng mas marami at mas de-kalidad na oportunidad para sa bawat Pilipino.⁩ KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here