MANILA, Philippines – SUSPENDIDO ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa ilang lugar sa bansa, ngayong araw ng Huwebes, Agosto 6, 2026, bunsod ng patuloy na malalakas na pag-ulan dulot ng Tropical Storm Maymay at ng Habagat at rekumendasyon na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Ito ang nakasaad sa ipinalabas na MEMORANDUM CIRCULAR NO. 122 ng Malakanyang, nilagdaan ni Acting Exeuctive Secretary Ralph Recto Jr., sa pahintulot na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang sa mga lugar na suspendido ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas ay ang National Capital Region and the provinces of Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Abra, Zambales, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Ilocos Norte, Apayao, Nueva Vizcaya, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Laguna at Occidental Mindoro.
Magpapatuloy naman ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng mahahalagang serbisyong pangkalusugan, pagtugon sa sakuna, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng publiko.
Idagdag pa rito, ang localized cancellation o suspension ng klase classes at/ o trabaho sa government offices sa ibang lugar ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local Chief Executives, alinsunod sa kaugnay na batas, rules and regulations.
Ang suspensyon ng trabaho para sa pribadong kompanya at tanggapan ay ipinauubaya na sa diskresyon ng kani kanilang pinuno.
Ang nasabing Circular ay dapat na kagyat na maging epektibo.
Samantala, pinapayuhan ang lahat na unahin ang kaligtasan at manatiling nakaantabay sa mga opisyal na anunsyo ng pamahalaan. KRIS JOSE