Home NATIONWIDE Panukalang P1,000 buwanang ayuda sa minimum wage families, inihain sa Kamara

Panukalang P1,000 buwanang ayuda sa minimum wage families, inihain sa Kamara

1
0

MANILA, Philippines – Naghain ang 11 mambabatas ng House Bill No. 10648 o PAMANA Act, na magbibigay ng P1,000 buwanang ayuda o P12,000 kada taon sa mga pamilyang minimum wage earners na hindi kabilang sa 4Ps.

Ayon sa panukala, ang ayuda ay ipapasok sa digital wallet na naka-link sa PhilSys. Maaari ring mag-apply ang mga self-employed at informal workers na kumikita ng katumbas o mas mababa sa regional minimum wage.

Hindi maaaring i-withdraw bilang cash ang ayuda. Maaari lamang itong gamitin sa pagbili ng mga produkto mula sa accredited MSMEs, tulad ng sari-sari stores, palengke, karinderya, groceries, at botika. Hanggang P200 lamang ang maaaring gastusin bawat araw.

Pamamahalaan ng DSWD ang programa katuwang ang DTI, BSP, DICT, PSA, at DOLE upang matiyak na ang mga kwalipikadong pamilya lamang ang makatatanggap ng ayuda.

Tinatayang mangangailangan ang programa ng P64 bilyon hanggang P68 bilyon kada taon, na ayon sa mga may-akda ng panukala ay mas mababa sa isang porsiyento ng panukalang pambansang badyet para sa 2026. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here