Home NATIONWIDE Panukalang haharang sa COC ng kandidatong may kontrata sa gobyerno, inihain sa...

Panukalang haharang sa COC ng kandidatong may kontrata sa gobyerno, inihain sa Kamara

5
0

MANILA, Philippines – Isang panukalang batas na naglalayong pigilan at harangin ang mga kandidato na may umiiral na kontrata sa gobyerno mula sa paghahain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang isinulong ni TGP Party-list Rep. Jose “Bong” J. Teves Jr. sa House of Representatives

Sa House Bill No. 9142 o  “Electoral Conflict of Interest Prevention Act,” gustong siguraduhin ni Teves na malinis ang simula pa lang ng proseso ng eleksyon sa bansa,  mula pa sa pagpasok ng COC ng mga naghahangad na manungkulan.

Sa ilalim ng panukala, obligado ang lahat ng kandidato na pumirma ng sinumpaang deklarasyon na wala silang direkta o hindi direktang interes sa kontrata ng gobyerno kabilang ang kanilang mga kapamilya.

Ang deklerayin ay sakop sa loob ng limang taon bago sila maghain ng COC.

Aminado si Teves na may mga umiiral nang batas tulad ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act, New Government Procurement Act, at Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees ngunit  ang problema ay saklaw lang nito ang mga opisyal na nakaupo na sa puwesto at hindi ang mga kandidato pa lang.

Aniya, “malaking butas” ito sa sistema dahil posibleng patuloy pa ring kumita sa pondo ng bayan ang mga kandidatong may kontrata sa gobyerno habang tumatakbo sila para sa puwesto.

Ito umano ang nakakaimpluwensya para makakkuha ng kontrata at nakasisira sa tiwala ng publiko.

“By institutionalizing transparency and accountability at the earliest stage of the electoral process, we ensure that those who wish to serve the public are driven by genuine public interest rather than private enterprise or business entanglements funded by taxpayers,” ani Teves.

Kung ipapasa ang panukala, kailangang isama ang sinumpaang deklarasyon sa COC ng bawat kandidato. Kapag hindi ito sinunod, awtomatikong hindi tatanggapin o kanselado ang COC.

Ang Commission on Elections (Comelec) ang atasang mag-verify sa pagsunod ng mga kandidato, kasama ang Government Procurement Policy Board (GPPB), Department of Budget and Management (DBM), at Commission on Audit (COA).

Mahigpit din ang parusa para sa sinumang mahuhuling nagsinungaling, nagtago ng impormasyon tungkol sa kontrata, o pumasok sa bagong kontrata sa gobyerno matapos maghain ng COC.

Ang parusa base sa panukala ni Teves ay permanenteng diskwalipikasyon sa puwesto, kanselasyon ng kandidatura, at kasong kriminal.

Nanindihan si Teves na kailangang tapusin na ang butas na ito sa batas para masiguro na ang mga susunod na lider ng bansa ay tunay na naglilingkod sa taumbayan at hindi sa sariling negosyo o interes na pinondohan mismo ng kaban ng bayan.

Iginiit nito na ang “public office is a public trust” kaya dapat walang conflict of interest ang mga naghahangad na tumakbo sa eleksyon. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here