Home METRO Pagbabanta ng guro sa mga kasamahan nito sa Iloilo, iniimbestigahan ng DepEd

Pagbabanta ng guro sa mga kasamahan nito sa Iloilo, iniimbestigahan ng DepEd

1
0

ILOILO, Philippines – Iniimbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang isang guro na nag-post ng mga pagbabanta laban sa kanyang mga kasamahan, na naging dahilan ng pagsuspinde ng klase sa Dumangas, Iloilo.

Sa Facebook post ng guro noong Agosto 6, sinabi niya: “Sa buwang ito, may patay na guro sa Dumangas National High School! Principal, assistant principal o guro mismo!!! Mark my words!!!!” at “Lahat kayo damay sa galit ko.”

Dahil dito, nagkaroon ng takot at pangamba sa mga estudyante, guro, kawani, at mga magulang, kaya kinansela ang mga klase.

Ayon sa DepEd-Division of Iloilo, iniimbestigahan ang motibo ng guro. Lumabas sa paunang impormasyon na nagalit umano siya sa pamunuan ng paaralan dahil pinayagan ang isang estudyante na magbenta ng pastels sa loob ng paaralan.

Sinasabing itinuring ng guro ang estudyante bilang kakompetensiya sa negosyo, kahit ang bata ay mula sa mahirap na pamilya at nagbebenta lamang ng pastels upang magkaroon ng pambaon at pambili ng mga kailangan sa pag-aaral.

Samantala, sinabi ng Dumangas Municipal Police Station na wala umanong aktuwal na banta at tiniyak nitong ligtas ang mga tao sa lugar. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here