Home METRO Suspek sa pagpatay sa LGBTQ+ member, arestado sa Bukidnon

Suspek sa pagpatay sa LGBTQ+ member, arestado sa Bukidnon

2
0

BUKIDNON, Philippines – Arestado nitong Huwebes, Agosto 6, 2026 ng madaling araw ang pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa 23-anyos na estudyante at beautician na si Neilbert “Betty” Benito sa Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si alias “Boy,” 19, na nahuli sa isang operasyon sa Kalilangan, Bukidnon.

Ayon sa pulisya, tinangka umano ng suspek na saksakin ang isang pulis gamit ang kutsilyo habang inaaresto kaya nahaharap din siya sa kasong direct assault at illegal possession of a deadly weapon.

Natagpuan ang bangkay ni Benito noong Hulyo 27 sa isang madamong bahagi ng Barangay Sumpong, Malaybalay City. May malubhang pinsala siya sa ulo at nakababa ang kanyang ibabang kasuotan.

Hinala ng mga imbestigador na naganap ang krimen matapos ang isang personal na engkuwentro sa pagitan ng biktima at ng suspek.

Nauna nang nag-alok ang isang konsehal ng Malaybalay ng P50,000 pabuya para sa impormasyong magtuturo sa pagkakahuli ng suspek. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here