Home NATIONWIDE Labor groups, humiling makibahagi sa kaso kontra TRO sa P85 wage hike

Labor groups, humiling makibahagi sa kaso kontra TRO sa P85 wage hike

1
0

MANILA, Philippines – Humiling ang ilang labor groups sa Pasig Regional Trial Court (RTC) na payagan silang maging bahagi ng kasong nagpahinto sa pagpapatupad ng P85 minimum wage hike sa Metro Manila.

Pinangunahan ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang paghahain ng mosyon upang makasali bilang respondents sa kasong isinampa ng dalawang construction firm laban sa RTWPB-NCR at NWPC.

Nauna nang naglabas ang Pasig RTC ng status quo ante order at temporary restraining order (TRO) laban sa wage hike na dapat sana ay ipatutupad sa dalawang yugto: P60 noong Hulyo 25 at P25 sa Enero 20, 2027.

Ayon sa mga labor group, sila ang direktang maaapektuhan ng kaso dahil sahod nila ang pinag-uusapan. Bawat araw na nananatili ang TRO, nawawalan umano ng P60 bawat manggagawa, o humigit-kumulang P66 milyon kada araw para sa tinatayang 1.1 milyong minimum wage earners sa Metro Manila.

Iginiit din nila na walang kapangyarihan ang korte na maglabas ng TRO laban sa wage order dahil ipinagbabawal ito ng Article 126 ng Labor Code. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here