Home NATIONWIDE 88 motorcycle, car dealerships, pinarusahan ng LTO sa pagkaantala ng OR/CR, plaka

88 motorcycle, car dealerships, pinarusahan ng LTO sa pagkaantala ng OR/CR, plaka

1
0

MANILA, Philippines – Pinarusahan ng Land Transportation Office (LTO) ang 88 accredited motorcycle at car dealerships dahil sa pagkaantala ng pagproseso ng Official Receipt (OR), Certificate of Registration (CR), at plaka ng mga bagong rehistradong sasakyan.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, ito ay matapos ang pagdinig sa mga show-cause orders (SCO) na naunang inilabas laban sa mga lumabag na dealer.

Sa 88 dealerships 37 ang pinagmulta; 39 ang pinagmulta ng P500,000 at sinuspinde ang kanilang accreditation sa loob ng anim na buwan; at 12 ang kinansela ang accreditation at isinailalim sa isang taong blacklist.

Kabilang sa mga naparusahan ang ilang sangay ng Premiumbikes, Wheeltek, Motoxpress, Rizal Autozone, at iba pang dealerships sa Metro Manila at iba’t ibang lalawigan.

Nagbabala si Lacanilao na mas mabigat na parusa ang ipapataw sa mga dealer na patuloy na lalabag sa regulasyon ng LTO, kabilang ang posibilidad ng pagsuspinde ng kanilang operasyon.

Hinimok din ng LTO ang publiko na magsumbong laban sa mga dealership na lumalabag sa patakaran sa pamamagitan ng “Ireport mo kay LTO Chief” Facebook page o sa website na ireportmokayltochief.ph.

Layunin ng ahensya na tiyakin ang maayos at napapanahong pagproseso ng rehistro ng mga bagong sasakyan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here