Home METRO Bato bumagsak sa bahay, 2 utas

Bato bumagsak sa bahay, 2 utas

1
0

RIXAL, Philippines – Dalawang tao ang nasawi matapos bumagsak ang isang malaking bato mula sa gilid ng bundok at tumama sa isang bahay na yari sa kawayan at yero malapit sa Wawa Dam sa Barangay San Rafael Rodriguez, Rizal, noong Miyerkules.

Dahil sa malakas na pag-ulan, gumuho ang malaking bato mula sa burol at tuluyang nawasak ang bahay. Namatay ang dalawang taong nasa loob ng bahay nang mangyari ang insidente.

Bukod sa bahay, hinarangan din ng malalaking bato ang isang kalapit na daanan sa lugar. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here