Home NATIONWIDE AGFO, sumusuporta sa paninindigan ng DND sa West Philippine Sea

AGFO, sumusuporta sa paninindigan ng DND sa West Philippine Sea

1
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng suporta ang Association of Generals and Flag Officers (AGFO) sa paninindigan ng Department of National Defense (DND) tungkol sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa AGFO, ang panunungkulan sa gobyerno ay isang sagradong tiwala ng publiko, at lahat ng opisyal ng pamahalaan ay may tungkuling sumunod sa Konstitusyon at mga batas ng bansa, kabilang ang Administrative Order No. 29, series of 2012, na opisyal na nagtatakda sa West Philippine Sea.

Nauna nang sinabi ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang lahat ng opisyal ng pamahalaan, lalo na ang mga halal, ay nanumpang ipagtanggol ang Konstitusyon at mga batas ng Pilipinas.

Bilang mga dating lider-militar na naglaan ng malaking bahagi ng kanilang buhay sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa, binigyang-diin ng AGFO ang tatlong pangunahing tungkulin: pagsunod sa batas, pakikiisa sa mga sundalo at mga komunidad sa karagatan, at responsable at makabuluhang pag-uulat.

Muling iginiit ng AGFO ang kanilang matatag na suporta sa isang mapayapa, ligtas, at may soberanyang Pilipinas, at nanawagan sa lahat ng lingkod-bayan na manatiling tapat sa bansa at magkaisa sa pagtataguyod ng rule of law. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here