MANILA, Philippines – Humina na bilang low pressure area ang bagyong Maymay nitong Biyernes, dahilan upang ibaba ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lahat ng tropical cyclone wind signal sa bansa.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na makararanas pa rin ng malalakas hanggang gale-force na bugso ng hangin ang malaking bahagi ng bansa dahil sa southwest monsoon o habagat.
Nananatili rin ang gale warning sa baybayin ng extreme Northern Luzon.
Inaasahang magdadala rin ang habagat ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon. RNT