Home NATIONWIDE Kawalan ng fuel cost audit sa gitna ng mahal na electric bill, pinatatalupan

Kawalan ng fuel cost audit sa gitna ng mahal na electric bill, pinatatalupan

1
0

MANILA, Philippines – Naghain si Senador Win Gatchalian ng resolusyon para imbestigahan ang kawalan ng regular na pagsusuri sa fuel cost sa gitna ng patuloy na pagtaas ng generation charges sa kuryente, na dagdag-pasanin sa mga konsyumer.

“Ang tumataas na generation charges at ang kawalan ng regular na fuel cost audit ay nagpapakita lang na kailangan na ng mas malakas na pananagutan at transparency sa sektor ng power generation upang matiyak na ang kuryente ay naisusupply sa pinakamababang halaga,” ayon kay Gatchalian sa paghahain ng Proposed Senate Resolution No. 581.

Binigyang-diin ni Gatchalian na mula Enero 2025 hanggang Hulyo 2026, ang buwanang bayarin sa kuryente ng isang residential customer ng Meralco na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hours (kWh) ay tumaas sa P2,970.00 mula sa humigit-kumulang P2,350.00.

Katumbas ito ng pagtaas ng singil mula P11.74 kada kWh hanggang P14.83 kada kWh.

Dahil dito, napipilitang magbayad ang mga konsyumer ng dagdag na P620.00 kada buwan kahit pareho lamang ang dami ng kuryenteng kanilang ginagamit.

“Ipinapakita lamang sa mga pigurang nabanggit na ang mataas na singil sa kuryente sa bansa ay pangunahing idinudulot ng mga generation charge na sa huli ay ipinapasa naman sa mga konsyumer,” aniya.

Sinabi rin ni Gatchalian na ang halaga ng fuel, partikular ang liquefied natural gas (LNG) at coal na ginagamit sa mga kontrata ng Meralco, ay umabot sa 86.16% ng kabuuang generation charges ng kumpanya noong Hulyo 2026.

Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here