Home METRO Hinihinalang rocket debris narekober sa Cagayan – PCG

Hinihinalang rocket debris narekober sa Cagayan – PCG

1
0

MANILA, Philippines – Narekober at siniguro ng Philippine Coast Guard ang isang hindi pa natutukoy na bagay na hinihinalang bahagi ng rocket matapos matagpuan sa baybayin ng Barangay Babuyan Claro sa Calayan, Cagayan.

Ayon sa PCG, nakatanggap ito ng ulat dakong 12:30 ng tanghali na isang residente ang nakakita sa naturang bagay sa Sitio Naydi at pansamantalang itinago para sa safekeeping.

Kalaunan ay narekober ito ng mga tauhan ng Philippine Navy Citizen Armed Force Geographical Unit bago sinuri ng Coast Guard.

Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na walang nakitang marka sa bagay na makapagpapatunay na rocket debris ito.

“They secured the object in a safe location while awaiting further technical assessment by the appropriate authorities,” ani Cayabyab.

Nakikipag-ugnayan na ang PCG sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang matukoy ang pinagmulan at uri ng bagay bilang bahagi ng pagpapanatili ng maritime safety.

Binalaan din ng ahensya ang mga mangingisda at residente sa baybayin na huwag hawakan ang mga hindi kilalang bagay na lumulutang sa dagat.

“We also advise fisherfolk and coastal residents to avoid handling unidentified floating objects and to immediately report similar sightings to the nearest local authorities,” dagdag ni Cayabyab. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here